Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Garcia bomalabs manalo

0 219

Hindi nakikita ni Professional Men’s Boxing Hall of Famer Erik ‘Terrible’ Morales ng Mexico na masisilat ni undefeated World Boxing Council (WBC) interim-lightweight champion Ryan Garcia ng USA kung matuloy ang pakikipagbakbakan kay eight-division world champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao ngayong taon.

Tatlong beses nang nakalaban si Pacquiao kung saan unang nanalo bago ang dalawang kabiguan sa knockout, sinabi ng Mehikano na ang sagupaan sakaling maganap ay isang mismatch.

“Pacquiao with Ryan is a very lopsided fight. Even though (Pacquiao) is old, he can put Ryan to bed in two rounds,” sabi ni Morales sa ESPN Deportes nitong Huwebes.(Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.