Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Garcia pakondisyon sa bike

0 232

Nakahanap ng paraan si Philippine Basketball Association star at champion Ryan Roose ‘RR’ Garcia ng Phoenix Super LPG para manatiling kondisyon kahit itinigil sa COVID-19 ang 46th PBA Governors’ Cup 2021-22 eliminations.

Pagba-bike ngayon ang inaatupag ng 31-year-old, 5-foot-11 Fuel Masters combo guard.

Ibinahagi ng basketbolista ito sa kaniyang social media account Martes. Dumayo siya ng Binangonan, Rizal gamit ang bisikleta.

Matagal nang humaling sa pagpadyak ang dating University Athletic Association of the Philippines Most Valuable Player mula sa FEU Tamaraws. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.