Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Garcia, Phoenix sinipa NorthPort

0 173

Mga laro sa Miyerkoles (Smart Araneta Coliseum)
3 pm – NLEX vs Alaska
6 pm – TNT vs Ginebra

Tinakasan ng Phoenix Super LPG ang NorthPort 101-98 sa pasiklab ni Du’Vaughnn Maxwellat RR Garcia para sikwatin ang huling playoffs slot ng PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng gabi.

Kinumpleto ang walong team sa quarterfinals, isa pang do-or-die game ang sasalangan ng Fuel Masters laban sa No. 1 Magnolia. Twice-to-beat ang top four kontra lower-ranked teams.

Nangalabaw ng 31 points, 13 rebounds, 5 assists at 3 steals si Maxwell para paypayan ang season ng Phoenix.

SM food to go Banner Ad

Gumatilyo si veteran guard Garcia ng 19 pts. – 16 sa second half nang magsimulang bumalik ang Fuel Masters mula 55-46 pagkakaiwan sa break. Nagsumite ng double-double na 18 pts., 11 rebs. si Jason Perkins, Nakapag-ambag ng 11 pts. si Matthew Wright bagama’t 2 of 8 lang mula sa field, pero nakumpleto ang and-1 play na nagbigay sa Phoenix ng 100-98 lead sa Phoenix 29 seconds na lang.

May 17 points na si Batang Pier import Jamel Artis sa halftime pero apat na puntos na lang ang kinaya pagbalik mula sa 1 of 10 shooting. Nawalan din ng saysay ang 19 pts., 9 rebs., 7 asts. ni Robert Bolick.

Ang iba pang pairing: No. 2 NLEX vs. No. 7 Alaska, No. 3 TNT vs. No. 6 Ginebra at No. 4 Meralco vs. No. 5 San Miguel Beer. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.