Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Garcia pumalit kay Abueva

0 182

WALANG Calvin Abueva, ibinalik ng Phoenix Super LPG si RR Garcia mula free agency para makumpleto ang 15-man roster na isasabak sa Clark bubble ng PBA.

Biyernes ay binigyan ng Fuel Masters ng extension ang 5-foot-11 guard.

“RR will join us in the bubble,” balita ni team manager Paolo Bugia.

Bago napunta sa Phoenix noong nakaraang season, binitawan ng TNT si Garcia noong 2018 at nawalan ng team.

Sa free agency rin hinugot ng Fuel Masters si Garcia noong nakaraang season.

SM food to go Banner Ad

Sixth pick overall ng GlobalPort si Garcia, 30, noong 2013 Draft.

Bukod sa Batang Pier, naglaro din siya sa Barako Bull, Star Hotshots, San Miguel at KaTropa.

Bago rin ang coach ng Phoenix, si Topex Robinson na humalili kay Louie Alas na pina-exit sa kaagahan ng buwan.

Dating chief lieutenant ni Alas si Robinson.

Kinuha ng Fuel Masters sina Jamike Jarin at Rich Alvarez bilang assistants. Para sa bubble lang muna ang binigay na deal sa dalawang deputies. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.