Abante Tonite Interactive

Garcia, RoS ‘di petiks kahit nasa playoffs na

By
0 115

Wala sa bokabularyo ng Rain or Shine ang mag-relax kahit nakasi­guro na ng 11th straight playoffs appearance sa PBA Philippine Cup.

Sa 6-1 card, maghahabol ang Elasto Painters ng twice-to-beat bonus sa quarterfinals na laan para sa top 2.

Bago ang 14-day break ng PBA para bigyang daan ang final window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers, haharapin muna ng Painters ang Magnolia sa nightcap ng double-header mamaya sa MOA Arena.

Kahit may ceasefire, tuloy ang pagbabanat ng Painters.

“During the break, we won’t stop working,” giit ni coach Caloy Garcia. “We have to look at what are we doing right and what we are doing wrong.”

Pangatlong sunod na laro ng Painters ngayon sapul noong Biyernes matapos ang four straight mula Jan. 26.

Walang reklamo si Garcia sa schedule nila, lalo’t nagresulta naman ‘yun sa solo-liderato pagkatapos itumba ang da­ting namamayagpag na Phoenix (5-1) 98-94 sa overtime noong Linggo.

Hindi pa nakakapagpagpag ng kalawang ang Magnolia, pagkatapos itaas ang korona ng Governors Cup ay higit isang buwang nagpahinga bago inumpisahan ang all-Filipino sa 0-2.