Abante Tonite Interactive

Garcia, RoS tutok na sa 2019 Rookie Draft

458

Isang komperensya pa ang natitira para sa 2019 o 44th season ng Philippine Basketball Association, pero gumagalaw na ang Rain or Shine para sa pagpapalakas ng lineup sa taong 2020.

Asam ng RoS masungkit ang jackpot sa 2019 PBA draft tapos makakuhang muli ng isa pang “first round draft pick” sa pamamagitan ng isang trade sa nakaraang linggo.

“We are looking at the draft,” tinig ni Elasto Painters coach Carlos ‘Caloy’Garcia. “In short, we wanted to be getting younger.”

Inesplika niyang nakatutok na sila sa kinabukasan ng koponan tapos ipadala ang point guard na si Maverick Ahanmisi papunta Alaska Milk kapalit ni Ping Exciminiano at isang first-round draft pick.

Dahil dito, makakapili na agad ng tatlo sa first-round ang E-Painters sa gaganaping 2019 draft.

Unang na-trade si Raymond Almazan sa Meralco nitong Mayo na may 2 1st rounders sa taong ito at sa 2021.

Inaasahang magiging malalim din ang 2019 rookie draft dahil sa pagpalaot na sa pro ranks nina Ateneo player Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III, shooter Joshua Munzon, Jason Brickman at UAAP standout Alvin Pasaol.

(Lito Oredo)