Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gardo ramdam na dating beki

0 74

Feeling beki si Gardo Versoza sa past life niya.

Pakiramdam niya ay dati siyang miyembro ng LGBTQ community.

Effective kasi siyang mag-portray bilang bading sa pelikula at serye. Gay na naman ang kanyang role sa bagong movie ng Saranggola Media Productions na Ayuda Babes.

Pero ibang baklang Gardo raw ang mapapanood dito.

Tinanong din siya kung pinagnasahan ba siya ng mga co-stars niya dahil puro bading ang Ayuda Babes na tinatampukan nina Ate Gay, Iyah Mina, Joey Paras, Negi, Petite Brokovich, Juliana Porizkova Segovia, Brenda Mage at Berni Batin .

“Gumagalang sila sa matanda,” pakli ni Gardo sabay tawa.

Ses pa niya, wala naman daw siyang masamang experience. Enjoy nga raw siya na kasama ang mga ito at tawanan lang nang tawanan.

Samantala, mapapanood na ang “Ayuda Babes” sa iWantTFC at KTX.PH simula sa March 5. Ito ay sa direksyon ni Joven Tan. Introducing din sa pelikula sina Christie Fider at Bidaman Dan Delgado.

 

@@@

Pauline hindi pasaway kay John

Na-wow mali si John Estrada sa first impression niya kay Pauline Mendoza. Feeling niya kasi ay may attitude problem ang bida ng ‘Babawiin Ko Ang lahat’ na magsisimula ngayong February 22 sa GMA Afternoon Prime.

Nadiskubre ni John na maayos naman ang ugali ni Pauline. Nakikinig ito sa mga payo niya. Hindi naman daw feelingera ang young actress at never pinamumukha na siya ang bida ng serye.

“Hindi naman mawawala ‘yung pressure at kaba lalo na because this is my first time na mabigyan ng ganitong chance at opportunity ng GMA, and I’m very thankful for that. Mas na-challenge talaga ako dito kasi bawat eksena sobra ‘yung binibigay kong emosyon para sa character ni Iris,”deklara ni Pauline na ambassador din ng Beautederm.

Anyway, first time na kontrabida si Carmina Villarroel sa ‘Babawiin Ko Ang Lahat’. Kasama rin sina Tanya Garcia-Lapid , Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Dave Bornea , Liezel Lopez, Therese Malvar ,Tanya Gomez ,Gio Alvarez at Manolo Pedrosa.

Talbog!

@@@

GMA News TV tigbak sa GTV

Simula ngayong araw na ito, magiging GTV na ang tawag sa

GMA News TV . Tuluyan nang mabubura ang GMA News TV. May slogan ito na“the news you trust and new shows to love.”

Mapapanood pa rin ang live telecast ng Super Radyo DZBB’s hottest reports and commentaries na “Dobol B TV”; pati na tin ang “Balitanghali.” Nina Connie Sison at Raffy Tima.

GTV likewise simulcasts GMA’s flagship news program “24 Oras,” anchored by GMA News pillars Mel Tiangco, Mike Enriquez, and Vicky Morales.

Matutukan pa rin ang primetime newscast na “State of the Nation (SONA),” nina Atom Araullo at Maki Pulido.

Tuloy rin ang panonood sa high-rating primetime series na “The Lost Recipe” nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

Marami pang bagong programa na pasabog ng GTV.

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.