Abante Tonite Interactive

Garie umaalma ang ‘papaya’

0 538

Nagpasilip ng kaseksihan ang singer-actress na si Garie Concepcion sa kanyang Instragram account recently.

Sa naturang larawan na kuha sa tabing-dagat, bukod sa kanyang magandang legs ay ibinalandra rin ni Garie ang malulusog niyang dibdib sa suot na one piece black swimsuit. Wari ba’y umaalma ang mga ito at gustong makawala sa hapit na suot ni Garie.

Mapapansin din na my halong pagka-misteryosa ang larawan dito ng half-sister ni KC Concepcion. Pero makikita rin sa tindig ni Garie ang pagiging confident sa sarili na taglay ng mga babaeng masaya at kontento sa kanilang buhay.

Siksik sa kaseksihan si Garie, bukod sa kanyang makurbang katawan. Nakadagdag pa sa kanyang sex appeal ang taglay niyang morena beauty.

Sa porma at tindig ni Garie rito, hindi siya mapagkakamalang singer at aktres na may sweet image. Bukod kasi sa pagiging anak nina Gabby Concepcion at Grace Ibuna, mas kilala si Garie bilang magaling na singer na sumasabak din sa pag-arte sa pelikula at telebisyon.

Masuwerte si Michael Pangilinan sa pagkakaroon ng girlfriend na tulad ng dalaga. Ang tipo kasi ni Garie ay isang ideal na babae para maging ilaw ng tahanan ng isang masayang pamilya. (Nonie Nicasio)