Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Garin: ABS-CBN dapat mag-sorry sa mga doktor na nabansagang ‘murderers’

0 368

Iginiit ni dating Health Secretary Rep. Janette Loreto-Garin na hindi tungkol sa kanya ang mga inilahad niya sa naging pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN noong Lunes.

Aniya, tungkol iyon sa “responsibility to the public” na nakasaad sa Section 4 ng House Bill 4349, na naglalayong i-renew ang prangkisa ng network.

Kabilang daw doon ang “sound at balanced programming” pero sa isyu noon sa Dengvaxia ay tila hindi naging balanse ang ABS-CBN.

Inihalimbawa ni Garin ang naging panayam sa kanya sa DZMM na pinutol raw pagdating sa TV Patrol.

“Sa clip ng TV Patrol, pinagmukha akong nanghingi ng paumanhin sa mga magulang dahil sa bakuna. Ito po ay kumalat na rin sa internet, nag-trending at may mga nanghihingi ng resignation ko dahil sa video na ito. Ngunit ang actual interview na iyon ay nangyari sa DZMM. Pinutol lamang ng TV Patrol ang sinabi ko para sa hindi malamang kadahilanan,” giit niya.

“Napakalayo ng aking aktuwal na sinabi sa nais ipahiwatig at iparating ng cut version na pinalabas ng ABS-CBN. This is an example of blatant disregard for the essence of what an interviewee,” paliwanag ni Garin.

Dagdag pa niya, “Ito ‘yung sinasabi nating willfull misrepresentation. Upang makulayan o madagdagan ang istorya, pinipili o pinuputol lamang ang ibang impormasyon. Iba tuloy ang dumarating na balita sa ating mga kababayan.”

Gayundin aniya sa segment ng network na “Disgrasya sa Dengvaxia” kung saan tila pinalabas umanong mamamatay-tao ang mga doktor.

“Matindi ang epekto sa vaccination when doctors were painted as murderers with the series of featured deaths like in the segment Disgrasya sa Dengvaxia. This happened only in the Philippines and only ABSCBN carried that. May mga live coverage pa ng autopsies na hindi naman nararapat dahil sa mas nakakatakot nitong epekto sa mga taong nandoon na maaring na-expose sa virus, bacteria o anumang sakit,” wika ni Garin.

“Let me be clear about this, this is not about me. This is about doctors, scientists, experts and public health servants demonized to the point where it broke their hearts, souls and will to serve. They were merely doing their jobs: making medically sound decisions for the benefit of public health, scientifically weighing the costs versus risks of a breakthrough vaccine and ultimately deciding to save lives than do nothing and lose more,” dagdag niya.

Lahad pa ng dating DOH chief, ang pagsasalita niya sa Kamara ay hindi tungkol sa paghihiganti kundi tungkol sa fake news at epekto nito sa public health.

“This is not about vindictiveness. This is about fake news and its impact on public health. Vaccine scare is not new. It happened with measles, MMR, tetanus toxoid, cervical cancer vaccine and many others. This can happen again and powerful networks should be aware of such tactics. This is one of the reasons why vaccine confidence in the country went down and public health was ruined.

“We don’t want this to happen to others: where the power of ABS-CBN is used by a few for their own vested interests and a well-organized campaign and strategy of anti-vaxxers masked behind the title “public health experts,” dagdag niya

Kaya naman sinuhestiyon niyang humingi ng paumanhin ang ABS-CBN.

“With this, I suggest ABS-CBN apologizes to the doctors and scientists tagged as murderers, to the parents who were unnecessarily alarmed, to the families of those whose death have been played with and the media personnel exposed to hazardous exhumation of bodies.

“As a large network having the opportunity to reach many Filipinos here and abroad, ABS-CBN has to practice responsible journalism and be truthful at all times,” wika pa niya. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.