Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Garin nagbabala vs rapid antigen test, Ivermectin

0 482

Nagbabala si Iloilo Rep. Janette Garin sa plano ng gobyerno na gumamit ng rapid antigen test para sa COVID-19 sa mga lugar na sakop ng enhanced community quarantine (ECQ) o NCR Plus bubble.

Ayon sa dating kalihim ng Department of Health (DOH), kahit na magnegatibo ang isang tao sa antigen test kailangan pa rin itong isailalim sa RT-PCR test dahil umaabot sa 40% ang false negative nito.

“Ang rapid antigen testing ay ginagamit para malaman ng mga doctor kung ang pasyente nilang may sintomas ng COVID ay positive o negative sa SARS-CoV2. Essentially for symptomatic ito,” ani Garin.

“Nauuso ngayon ang antigen testing dahil mabilis pero huwag tayo makampante. RT-PCR test pa rin ang gold standard sa COVID-19 testing,” dagdag nito.

Iginiit din ni Garin ang kahalagahan na mailagay sa mga tamang lugar ang mga kinakailangang gamot katulad ng COVID-19 investigational drug na Remdesivir at Tocilizumab.

“Hanggang ngayon hirap pa rin maghanap ng gamot ang mga tao. Kailangan pa nila gumawa ng sariling paraan to source medicines na kung prepositioned na eh hindi sana naging problema,” wika pa nito.

SM food to go Banner Ad

Nagbigay din si Garin ng babala sa paggamit ng Ivermectin sa panggagamot ng COVID-19 patient dahil kulang pa umano ang pag-aaral na ginawa sa gamot na ito kung gagamitin sa tao.

Ang Ivermectin ay ginagamit sa hayop at nakarehistro bilang veterinary medicine sa bansa.

“Hindi porke may narinig tayo o nabasa ay paniniwalaan na natin. Huwag naman natin sayangin ang efforts ng ating mga scientist,” babala ni Garin.

Ipinaalala rin ni Garin sa publiko na magpahinga at matulog upang mapalakas ang katawan.

“Pinakamabisa pa ring panlaban sa COVID-19 at pampalakas ng katawan ang tulog at pagsunod sa minimum health standards,” aniya pa. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.