Abante Tonite Interactive

Garin pinagbantaan ni Duque

502

Kinumpirma ni dating Health Secretary Janette Garin na pinagbantaan siya ni DOH Secretary Francisco Duque III sa nakaraang hearing ng Senado tungkol sa mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

“When I was asked by other senators how and when did the PhilHealth fraud start, he started answering, medyo nagali ng kaunti si Sec. Duque,” paglalahad ni Garin sa Senate blue ribbon committee nitong Huwebes.

“He told me,’Be careful with what you say here, marami akong hawak sa iyo,” kuwento ni Garin.

Napikon umano si Duque sa patutsada ni Garin na nagsimula ang pagbagsak ng PhilHealth sa ilalim ng pamumuno ng kasalukuyang kalihim ng Department of Health.

Sinabi ni Duque na nagpanting ang kanyang tenga noong sinabi ni Garin na nagsimula ang dayaan sa pag-enroll ng DOH ng 5 milyong mahihirap na pamilya sa PhilHealth.