Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gary, Lea, Martin bibida sa pagtatapos ng ‘Sine Sandaan’

0 99

Ni : ROLDAN CASTRO

Sina Lani Misalucha, Gary Valenciano, The Company, Isay Alvarez at Robert Seña, Martin Nievera, at Lea Salonga kasama ang Acapellago ang headliners ng “Sine Sandaan: The Next 100

Closing Ceremony,” isang two-hour virtual event ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na gaganapin sa Setyembre 30, Miyerkules, ng 8 p.m.

Pagkatapos ng 12 na buwan ng pagkilala ng milestones at achievements, at pagbibigay-pugay sa industriya ng Pelikulang Pilipino, ang isang taong paggunita ng One Hundred Years of Philippine Cinema ay pormal na magtatapos sa isang nnatatanging pagdiriwang.

Maliban sa powerhouse lineup ng ilan sa pinakamahusay na performer sa ating

bansa, pakaaabangan din ang kamangha-manghang commemorative audiovisual

presentations na gawa ng iba’t ibang sektor ng industriya gaya ng Regional Filmmakers Network, Animation Council of the Philippines, Inc., at editors mula sa the Filipino Film Editors.

Wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño, “Sine Sandaan: The Next 100 encapsulates our aspirations for the future of Philippine Cinema. It is both in the spirit of empowering our local industry and taking those significant steps towards that

future that we hope for — a future of elevation, inspiration, and collaboration.”

Dugtong ni Diño, “This celebratory event also serves as a venue for cooperation in the film industry. Just as we officially close the Philippine Cinema Centennial Celebration, we look forward to the next hundred years wherein the industry will aim to reach greater heights, cross borders, and explore uncharted territories.”

Opisyal na idineklara ng Sine Sandaan o Presidential Proclamation No. 622, series

of 2018 na ang Setyembre 12, 2019 hanggang Setyembre 11, 2020 ang isang taong

SM SuperKidsDay Banner Ad

pagdiriwang ng Philippine Cinema Centennial na pangungunahan ng FDCP. Ang

simula ng pagdiriwang ay paggunita sa Setyembre 12, 1919 na siyang release date

ng unang pelikulang directed at produced ng isang Filipino, ang “Dalagang Bukid” ni

Jose Nepomuceno. Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Sine Sandaan Proclamation noong Nobyembre 8, 2018.

Mula noong Setyembre 12, 2019, idinaos ng FDCP ang “Sine Sandaan: Celebrating the Luminaries of Philippine Cinema,” ika-3 Pista ng Pelikulang Pilipino, Philippine Film Festival sa Italy at Portugal, Luna Awards, at Film Ambassadors’ Night. Kasali

rin ang FDCP sa Busan International Film Festival, QCinema International Film Festival, Tokyo International Film Festival, Southeast Asia Fiction Film Lab (SEAFIC), Berlin International Film Festival, Cannes Docs Online, Locarno Open

Doors, at Hong Kong FILMART Online.

Ang iba pang inisyatibo ng Sine Sandaan ay ang paglunsad ng FilmPhilippines incentive program, pagsali sa House Committee Hearings sa Eddie Garcia Bill,paglabas ng Joint Memorandum Circular No. 1 on Guidelines for Working Conditions

of Film Workers kasama ang Department of Labor and Employment,Disaster/Emergency Assistance and Relief (DEAR) Program, at ang patuloy na filmrestoration ng Philippine Film Archive.

Noong Setyembre 11, 2020, ang huling araw ng isang taong paggunita sa One Hundred Years of Philippine Cinema, idinaos ng FDCP ang online Opening Ceremony na pinamagatang “Sine Sandaan: The Next 100 – Celebration of the Closing of the Philippine Cinema Centennial.”

Ipinaalam ng FDCP ang napakaraming September events. Ipalalabas ang “Sine Sandaan: The Next 100 Closing Ceremony” sa mga social media accounts ng FDCP sa YouTube (youtube.com/FilmDevelopmentCouncilPH) at Facebook (facebook.com/FDCP.ph).

Leave A Reply

Your email address will not be published.