Abante Tonite Interactive

Gary ligtas sa bypass operation

By
3,796

Panay messages of support at well wishes ang pinaabot ng celebrity friends ni Gary Valenciano sa kanyang Instagram post na Bible verse from Ezekiel­ 36:26.

“And I will give you a new heart, and I will put a new spirit in you. I will take out your stony, stubborn heart and give you a tender, res­ponsive heart,” ang pinost na quote ni Gary bago siya sumailalim sa emergency open heart surgery nu’ng Linggo.

Successful ang naging bypass operation kay Mr. Pure Energy at maayos na ang kanyang lagay ngayon.

After 39 years kasi ng pagkakaroon ng Type 1 Diabetes ay natuklasan ng doktor na ang main valve ng kanyang puso na kung tawagin ay LAD (left anterior descending­) artery ay 95% barado, kaya kinailangan s­iyang operahan.

“Been thinking of you all day till after taping. We missed you! You gave us quite a scare! But we knew deep down inside that God would pull you through.

“You are a blessing to many, Kuya. I don’t think He’s gonna take you away just that easily from all of us! God bless you. We love you,” ang mensahe sa kanya ni Sharon Cuneta sa IG.

Puro “Amen!” at “Love you!” ang sabi nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Darren Espanto, Jona at iba pa.

Two weeks ago, after niyang mag-perform sa kanyang 35th anniversary celebration sa ASAP nakaramdam ng kakaibang paninikip ng dibdib si Gary, kaya nagpatingin siya sa doktor.
Dahil doon ay na-miss na naman niyang mapanood nang live si Bruno Mars.

Pahinga muna si Gary sa trabaho kaya humingi siya ng paumanhin sa ASAP, Your Face Sounds Familiar Kids, It’s Showtime at sa iba pa niyang mga commitment dahil kailangan niya muna ng full recovery mula sa kanyang operasyon.

Get well soon, Mr. Pure Energy!!

PAOting takaw-pansin sa AlDub

PAOnting ang tawag ni Paolo Ballesteros sa kanyang kinabibisihang abstract painting na ginagamitan niya ng resin.

Gandara ‘yung huli niyang pinost na ‘Creep’ ang title, na mukhang binebenta na niya dahil meron siyang “PM for details” sa caption.

Pati si Maine Mendoza ay napa-comment ng, “Ganda!!” at si Alden Richards ay, “Iba, Kuya Pao!” ang nasabi sa makulay na painting.

Sa pagpipinta mas nahihilig ngayon si Pao kesa sa kanyang makeup transformation, na mukhang wala pa siyang bagong gagayahin after ng My 2 Mommies co-star niyang si Solenn Heussaff.

Kagabi ginanap ang red carpet premiere ng Mother’s Day movie ng Regal at habang tinitipa namin ito ay hindi pa kami sinasagot ni Pao kung isasama ba niya sa premiere ang nali-link sa kanya ngayon na si Sebastian Castro.

Kaswal na sinabi ni Pao nu’ng blogcon na friends lang sila ni Seb, pero nakunan sila nito ng picture na magkasamang naggu-grocery at dyowa levels ang dating.

Cute nga pala ‘yung kuwento ni Direk Eric Quizon na nu’ng first day ng shootin­g nila ng My 2 Mommies ay hindi masabi ni Paolo ang mga linya nito dahil kaeksena nito si Maricel Soriano. As in na-starstruck si Pao sa kanyang Inay Marya!

Bukas na, May 9, ang showing ng My 2 Mommies sa mga sinehan nationwide.