Abante Tonite Interactive

Gary, Martin ‘di sinibak sa ‘ASAP’

1,692
tonite-imo-vinia-vivar
Nagbigay ng pahayag ang asawa at ma­nager ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan kung bakit wala si Mr. Pure Energy last Sunday sa ASAP NATIN ‘TO.
Tila marami ang nagta­tanong kay Angeli kung bakit hindi napanood si Gary last Sunday sa nasabing bagong reformat na show at may mga nag-isip na baka natanggal na rin ito.
Hindi lang si Gary V. ang nami-miss ng manonood kundi maging sina Martin Nievera at Zsa Zsa Padilla na 2 Sundays na ngang hindi napapanood sa bagong ASAP.
Si Gary ay napanood sa first episode ng ASAP Natin ‘To at noong last Sunday lang ito wala.
Sa tweet ni Angeli, sinagot din niya kung bakit wala si Martin.
Gary was supposed to guest in @ASAPOFFICIAL today but we requested for a rest because of his #AwitAtLaro intense November schedule. He was really not supposed to be on ASAP Natin ‘To today.
“Meantime Martin is in Europe which is why he has been absent. Netizens pls relax,” ang tweet ni Angeli.
Sa comments section ay napakaraming nagtanong kung bakit guest na lang si Gary V. at hindi na mainstay.
Tweet ulit ni Angeli, “@manila_genesis can only speak for Gary. We reques­ted last year for Gary to be 2x a month bcuz we value our family Sundays (with Leia) & it was very tiring without a free Sunday. Since he is in Showtime also it got more tiring. Hope you understand. Give @ASAPOFFICIAL a chance!”
Ipinaliwanag din ni Angeli na may pamilya si Martin sa US kaya kailangan nitong pumunta roon at least once a month.
“Always remember that Martin has family in the US so he is there normally once a month. Fans need also to understand the priorities of the artists.
“Thank u for loving our best friends. We are all friends so network movements may hurt us but that doesnt erase our love 4 each other,” tweet pa ni Angeli.
Base sa pahayag ng manager at asawa ni Gary V, lumalabas na absent lang si Martin kaya wala sa bagong ASAP at dahil dito ay marami ang natuwa’t parang nakahinga nang maluwag.
Actually, maraming netizen ang naghahanap kina Martin at Zsa Zsa sa ASAP Natin ‘To kaya parang wrong decision talaga kung aalisin (or inalis) sila.

Andrea Brillantes pekeng fan ng BTS

Hangga’t maaari ay ayaw nang sabihn ni Andrea Brillantes na big fan siya ng sikat na South Korean boy band na BTS dahil naba-bash lang daw siya.
“Sinasabi nila na bandwagon ako, tapos poser daw ako, tapos fake fan daw. Sobrang wild nila,” sabi ni Andrea nang makausap namin sa presscon ng pelikula niyang Kahit Ayaw Mo Na.
“Okay lang, naiintindihan ko naman kasi bago ako (na fan), this year lang. Tapos kasi, nakakatakot sila kasi, may death threats pa, ganu’n.
“Tapos, tawag sa akin, kanser. Tapos, minumura ako. Hindi dapat dyino-joke ang cancer, seryoso ‘yon,” tila pagsusumbong pa ni Andrea.
Ayon sa young actress, fan daw siya talaga ng BTS at taong 2016 pa niya kilala ang grupo pero this year lang talaga siya naging fan.
Ang bias (term sa K-pop na ang ibig sabihin ay “favorite”) daw niya sa BTS ay si V.
“Pero may bias wrecker (2nd favorite), si RM, si Jungkook, si Jimin, lahat sila bias wrecker ko,” say pa ni Andrea.
Ang masasabi lang daw niya sa mga nangba-bash sa kanya, “peace na tayo. Wala naman akong intensyon na masama, nakikinig lang ako sa music nila, tapos napopogian ako sa kanila, gusto ko ‘yung personality nila, pinapasaya nila ako.”
Nilinaw din ng teen actress na hindi raw siya nakikisawsaw sa kasikatan ng BTS.
“Hindi ako nakikisawsaw sa kanila dahil sikat sila, nagkataon lang na nun’g naging fan ako, sobrang sikat na nila, tapos meron silang upcoming album kaya baka akala nila, nakikisabay lang ako kaya bandwagon, hindi talaga.
“As in gusto ko talaga sila, genuinely. Gumawa ako ng fan account, nagpo-post ako kahit sobrang busy ako. Nagpupuyat ako, nag-iipon ako for merch (merchandise),” she said.
Samantala, bukod sa Kahit Ayaw Mo Na movie nila nina Empress Schuck at Kristel Fulgar na showing na sa Dec. 5, may on-going drama series din si Andrea sa ABS-CBN ang Kadenang Ginto.