Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gary na-dengue

0 68

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang nagtataka kung bakit wala si Gary Valenciano sa ASAP noong nakaraang linggo.

Katunayan, medyo sumablay si Darren Espanto sa kanyang performance dahil nagkaroon ng aberya ang teleprompter sa studio.

Hindi naman daw fault ng Fil-Canadian singer ang pagkakamali dahil absent daw kasi si Mr. Pure Energy na assigned sa nasabing number.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kanya namang Instagram account, nag-post si Gary V ng kanyang estado.

Aniya, naospital daw siya dahil sa dengue at so far, fully recovered na raw siya sa nasabing sakit.

“I just wanted to share the goodness of the Lord with all of you. I’ve been here in the hospital since Mon PM due to dengue fever. “But He took care of me yet again and now I’m headed home. The Lord has left me speechless once again. I Love you Jesus,” caption niya sa kanyang Instagram.

Sa comments section naman ng kanyang post, nagbigay ng suporta sina Iza Calzado, Ogie Alcasid, Julia Anne San Jose, Kitkat, Gab Pangilinan, at Bernadette Sembrano sa tuluyang paggaling ng OPM icon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.