Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gary nabahala sa nawalang globe

0 260

Sa kanyang Twitter account, hindi napigilan ng singer at ASAP host na si Gary Valenciano na magpahayag ng kanyang pagkabahala kaugnay ng pagkawala umano ng globe na landmark ng isang mall.

May unconfirmed reports kasing kumalat na ninakaw daw diumano ang naturang iron ball.

Sa panig naman ng management ng mall, iniimbestigahan na raw nila ang naturang insidente.

May mga nagsabi namang gimik lang daw ang nasabing pagkawala ng globe dahil may kinalaman sa promo ng isang movie sa Netflix.

“I thought it was a hoax but apparently it’s true. And no one did anything while the globe was being harnessed and carried away? No one saw it happening? Are choppers even allowed to fly at this time of the night? Who is watching our skies? What’s going on??,” emote ni Gary.

Umani naman ng iba’t-ibang reaksyon sa mga netizen ang kanyang naging post.

“Itsaprank Sir. Abangan natin ang sususunod na kabanata…”

“I think its a marketing strat”

SM food to go Banner Ad

“Aliens took it”

Sa latest update, nilinaw naman ng pulisya na hindi nawawala ang nabanggit na globe, bagkus sumasailalim daw ito sa renovation.

Albie minalas kay Andi

Bago pa man pumasok sa Bahay ni Kuya, naging kontrobersyal na si Albie Casino sa kanyang naging pasabog tungkol sa kanyang ex na si Andi Eigenmann.

Ngayong evicted na ang aktor sa PBB season 10, may kibitzers na nagsasabing na-jinx daw ito dahil sa negang rebelasyon nito.

Hindi rin daw nakatulong ito sa pagpasok niya sa Bahay ni Kuya dahil maaga rin siya napalabas.

Hati naman ang opinyon ng iba, dahil naniniwala silang muling mabubuhay ang isyu sa kanila ni Andi lalo pa’t nakalabas na siya ng PBB house. May laya na raw magsalita sa isyu ng buwelta ng kampo ni Andi.

Leave A Reply

Your email address will not be published.