Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gary naglitanya kay Joel

0 68

NI : ROLDAN CASTRO

Isang ehemplo ng inspiring storyteller ang OPM icon na si Gary Valenciano . Ito’ysa pamamagitan ng kanyang musika at mga salita.

“Everytime you speak, we all listen,” ayon kay Senator Joel “Tesdaman” Villanueva sa kanyang panayam kay Mr. Pure Energy para sa 10th episode ng “AksyonTime.” Ipinalalabas ito sa A2Z Channel 11 kamakailan lamang.

Umaasa si Gary V na magiging inpsirasyon siya sa ibang tao dahil siya mismo ay hindi karapat dapat sa mga biyaya na kanyang natatanggap.

“I’m not a perfect Christian. Ika ‘nga we are all Christians under construction. There’s still a lot of things I need to fix up in myself. And yet He has chosen me. Why? I don’t know why He has chosen me. It’s only because God has been good. And he will be that way yesterday, today, and forever,” ayon kay Gary.

Naniniwala rin si Gary na magiging inspirasyon siya sa iba dahil siya mismo ay larawan ng isang taong pinagpala at inspirado.

Inamin din ni Gary na malaki ang naging impluwensiya ni Bro. Eddie Villanueva, ang ama ni Joel, pagdating sa kanyang pananampalataya.

Ayon kay Gary: “During some point in my life meron din nag-bless sa akin in similar fashion. Nangyari po ito isang beses when I was on an airplane, I was weeping, I was in tears because I was going through a dark moment in my life and I was on my way to some province because I was going to stand together with other people who believed in this man. And that one man that people believed in was the man that sat beside me and talked to me. I opened up to him about the struggles in my life, and he spoke into my life and that man was your father.”

Isa si Gary V sa mga malalapit na kaibigan ni Joel. Isa rin siya sa takbuhan ni Joel kapag humihingi ng payo. Nakikinig din si Joel sa mga awitin ni Gary V na ayon sa kanya ay punong-puno ng mga positibong mensahe.

Pinasalamatan din ni Joel si Gary na nakiramay sa mga malulungkot na pangyayari sa kanilang pamilya. Nariyang dumamay siya noong namayapa ang ina ni Joel na si Adoracion “Sister Dory” Villanueva noong March 2020. Pagkaraan ng dalawang buwan, sumunod naman ang kapatid na babae na si Bocaue Mayor Joni Villanueva-Tugna.

“When I give a word it’s not just me speaking out of knowledge, it’s really me speaking with the hope that I could plant good seed on good soil because in time that person that I spoke to may produce good fruit as well,” ayon kay Gary.

Sinabi pa ng Pure Energy na madalas nasusubok ang kanyang pananampalataya, lalo na nitong pandemya, pero hindi siya sumusuko.

“Minsan nahihirapan din ako. Minsan hindi ko rin alam kung kelan ko makikita ang pamilya ko ulit abroad. Minsan pag alis ko when I go and work hindi ko rin alam kung ano ba, is it my day today to get Covid-19? And if I get it, will I survive? Medyo grabe din yung effect sa akin dahil isinara pa yung ABS-CBN last year. We’re happy that with A2Z (Channel 11) now we’re all in this together, first time in the history,” deklara niya.

“What I tell people, even if the situation does not get better tomorrow, the next months or even the next year the Lord that we have goes over that,” ani Gary V.

Nagbabalik si Villanueva sa telebisyon sa programang “AksyonTime,” isang taon matapos ang kanyang pamamahinga sa public affairs program. Nauna na rito, naging producer at host ang senador ng multi-awarded public affairs program na “Adyenda.”

Ang “Aksyon Time” ay mapapanood tuwing Sabado,10:15 p.m. sa A2Z Channel 11.

Leave A Reply

Your email address will not be published.