Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gary, Ogie, Regine sama-sama sa paalam MOR 101.9 For Life

0 194

Magpapaalam na ang MOR 101.9 For Life! ng ABS-CBN sa online listeners nito ngayong Biyernes (Agosto 28) sa pamamagitan ng isang bigating farewell special na pinamagatang “Salamat, For Life!” na mapapanood sa MOR website, Facebook.

Magaganap ang thanksgiving party sa opisyal na huling araw ng operasyon ng MOR – Manila halos dalawang buwan matapos na ma-deny ang prangkisa ng ABS-CBN at halos apat na buwan nang tumigil ito sa ere.

Hatid ng “Salamat, For Life!” ang mga pumatok na awitin mula sa mga nagdaang dekada sa musical performances ng OPM hitmakers na sina Erik Santos, Jed Madela, Moira dela Torre, at Yeng Constantino at OPM icons na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez.

May dala ring bigating tugtugan ang mga bandang 6Cyclemind, Banda Ni Kleggy, Better Days, Gracenote, Imago, Itchyworms, Moonstar88, Sandwich, The Vowels They Orbit, at Trinidad kasama sina Mig Ayesa at Arnel Pineda habang nagbabalik-tanaw ang MOR sa mga nagdaang taon na puno ng musika, kasiyahan, at katatawanan.

Pangungunahan ng retired MOR DJs na sina Chinapaps at Bob Zilla ang online special kasama rin ang iba pang DJs na sina Maki Rena, Onse, Eva Ronda, Nicki Morena, Jhai Ho, Popoy, Chacha, Ana Ramsey, Bea, Kisses, Toni, Joco Loco, Biboy Bwenas, Chico Martin, at Reggie V. Makakasama rin nila ang MOR station head na si Mars Ocampo.

Samahan ang buong MORkada sa “Salamat, For Life!” farewell special ngayong Biyernes (Agosto 28), 6 pm sa mor1019.com, MOR Philippines – Manila Facebook page at Kumu @mor_tv. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Leave A Reply

Your email address will not be published.