Abante Tonite Interactive

Gary V balik kanta

By
2,059

Unti-unting nagbabalik-trabaho si Mr. Pure Energy Gary Valenciano after niyang dumaan sa by-pass operation last May 6.

Last July 17, nag-post sa kanyang Instagram account ang misis ni Gary V na si Angeli Pangilinan ng mga photo at video na nag-perform sa isang event ang singer. May hashtag itong #garyisback. Ginanap ang event sa New World Hotel.

First public appearance ni Mr. Pure Energy pagkatapos niyang magkaroon ng problema sa puso at a month later ay nadis­kubre rin na may kidney problem siya. Despite the fact, nalampasan ni Gary V ang lahat ng unos na duma­ting sa kanyang buhay.

Ayon pa sa post ni Angeli isang kanta lang daw muna dapat ang inawit ni Gary V, pero sa kagustuhang mapagbigyan ang mga fan ay nagpaunlak pa siya ng isang song.

Very thankful din si Angeli dahil hindi na­ging sagabal ang health ng asawa para ‘di siya pag-renew-hin ng produktong iniendorso.

“The Valenciano family is deeply grateful. And to Panasonic Philippines and Japan — for trusting him des­pite all these challen­ges — thank you for the partnership and support. God bless us all,” post ni Angeli. Pinasa­lamatan din ni Angeli ang lahat ng nagbigay ng prayer para sa fast recovery ng asawa.

Samantala, hindi pa rin maiwasang magsayaw ni Gary V kahit bago siyang opera. Halata namang nag-iingat sa kanyang kilos ang Mr. Pure Energy. Pinagsabihan siya ng doktor na dahan-da­han lang ang pagbalik sa kanyang career.