Abante Tonite Interactive

Gary V. may bagong kanta sa ‘FPJ’s ang probinsyano’

By
0 1,124

Ibinuking ni Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano na mahaba pa ang itatakbo sa ere ng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ng Kapamilya primetime King na si Coco Martin.

Sa pagtanggap niya ng PMPC Star Awards for Music… Levi Celerio Lifetime Achievement Award, inamin niya na may bago siyang komposisyon na siyang magiging bagong theme song ng longest running aksyonserye na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Si Gary V. din ang kumanta ng “Huwag Ka Nang Umiyak” na naging theme song din ng nasabing programa.

Inspirasyon ng multi-awarded singer-actor ang bagong buhay na ibinigay sa kanya ng Panginoon pagkatapos nitong sumailalim sa open heart surgery ilang buwan na ang nakakaraan.

Pag-asa at pagtitiwala sa walang hanggang awa ng Diyos ang mensahe ng awitin na siya ring pinanghahawakan ng kanyang pamilya lalo pa’t hindi naman lihim na pagkatapos ng kanyang operasyon ay muling nahaharap ang kanyang pamilya sa pagsubok kaugnay diumano ng kasong hindi pagbabayad ng tamang buwis ng kanilang kompanya sa BIR.