Abante Tonite Interactive

Gary V nalungkot sa inasal ni Jimmy

692

Maging si Mr. Pure Energy Gary V­alenciano ay na-shock sa mga naging pahayag ng kapwa-singer na si Jimmy Bondoc sa Facebook account nito na ngayon ay kontrobersyal na kontrobersyal na.

Ayon kay Gary sa presscon niya kahapon para sa Circuit Makati EVOLT International Dance Festival 2019, hindi raw niya alam kung bakit nakapagsalita nang ganu’n ang kapwa-singer.

“Jimmy Bondoc is actually somebody that I worked with in ABS-CBN for a show called ‘Twist and Shout’ Martin Nievera and myself were the ones hosting it,” simula ni Gary V.

“I don’t know exactly why Jimmy would come out so boldly and to say such things, but something must have happened, something must have occurred for him to become that way because that doesn’t seem like the Jimmy I once knew.

“So, nakakabigla and I knew it was going to create a lot of wave whether it’s people in the industry or even people outside of the industry and maybe even people who are far away like OFW (overseas Filipino workers) who stay in contact with their families because of what ABS-CBN has been able to give them.”

Dagdag pa ni Mr. Pure Energy, one day ay gusto niyang tanungin kay Jimm­y kung ano ang dahilan at nakapagsalita ito nang ganu’n.

“Maybe someday, if I sit down with Jimmy, I can r­eally ask him sincerely, ‘bro, what drove you to say these things?’ and if he does have actual stories, then I would follow the advice of Angel (Locsin) who said you know, just make a proper complaint and take it to the proper courses because it’s just more than one station involved here, it’s thousands of people in that station,” saad pa ni Gary.

At kung mawawala raw ang istasyon ay napakara-ming buhay ang maaapek-tuhan.

Pero naniniwala pa rin si Mr. Pure Energy na may reason for everything at may dahilan kung bakit ang isang tao ay nakakapagsalita ng mga bagay na nasabi nito.

“For me, a person who speaks that way can only be driven so far. Maybe uma-bot na du’n sa threshold niya at lumampas du’n sa threshold niya kaya nilalabas niya ‘yun.”

Kailangan daw niyang malaman ang two sides of the story before making any judgment.

Aminado si Gary na nalungkot siya sa mga salitang nasabi ni Jimmy dahil naging maganda raw ang experience niya working with him.

“I still know he’s a friend, I’ve worked with him and I had fun wor-king with him. There was a lot of laughter – him, Aiza (Seguerra) and there was one more judge – there were 3 of them, and then, Martin and I were hosts and we had a lot of laughter and fun, getting together every week at one of the studios in ABS-CBN.

“So, that’s all I could say about him,” pagtatapos ni Gary.

Samantala, pangungunahan ni Mr. Pure Energy ang Circuit Makati EVOLT International Dance Festival 2019, ang pinaka-ma-laki at pinaka-engrandeng dance festival ng Pilipinas.

Prodyus ng Istudyo Ni Pipay Co., ang EVOLT ay isang linggong event na mayroong libreng dance workshops na bukas para sa publiko; isang prestihiyosong dance competition kung saan kalahok ang iba’t ibang university-based at community-based dance groups mula sa iba’t ibang panig ng bansa; isang night bazaar na inayos ng The Common Good Market; at isang concert extravaganza na pagsasama-samahin ang pinakamalalaking pangalan sa industriya ng entertainment.
Opisyal na magsisimula ang festival sa Hunyo 2 sa pamamagitan ng mga espesyal na performances mula sa online sensation at TV personality na si Lady Pipay at mula din sa mga kalahok ng dance competition ng event.

Ang mga hurado ng dance competition ay sina Julie Borromeo, Regine Tolentino, Maribeth Bichara, Nancy Crowe, John Supan, at Frank Rivera. Lahat ng mga kalahok ay naglalaban-laban sa cash prizes na hihigit sa isang milyong piso sa kabuuan nito.

Ang award-winning concert director na si Paolo Valenciano ang magdidirehe sa main at culminating event ng festival na magaganap sa Hunyo 8 sa Events Open Ground ng Circuit Makati.
Aside from Gary V. kasama rin sa concert sina Billy Crawford, Gab Valenciano at Darren Espanto, gayundin sina Regine T­olentino, Lady Pipay, AC Bonifacio, Nhizky Calma at pati na rin ang mga K-pop artists na Chic Angel at Rion Five.
Para sa mga tiket sa main event ng festival, bisitahin ang smtickets.com at ticket2me.net. Para sa karagdagang impormasyon at kapana-panabik na mga updates, bisitahin ang Facebook@evoltdancefest at teeradio.net.

Eddie Garcia balik-Kapuso

Marami ang natuwang loyal Kapuso viewers na muli na nilang mapapanood sa GMA-7 ang beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Makakasama si Manoy Eddie sa upcoming primetime series nina Gabbi Garcia at Thea Tolentino. Pasok din sa cast ang Kapuso heartthrob na si Gil Cuerva.

Lalong na-excite ang netizens dahil si Direk Toto Natividad ang hahawak ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol sa serye soon.