Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gask mask na ang suot

0 177

Nakita ko sa panaginip ko na ang mga tao ay nakasuot na raw ng gas mask. Babala kaya ito? O ano kayang ibig sabihin nito sa akin? Salamat sa pagsagot.

– Nene

Kapag napanaginipan mo na nakasuot ka ng mask, sign ito na takot kang singilan ng taong pinagkakautangan mo. Ang gas mask naman ay nangangahulugan na ayaw mong nagiging sentro ka ng chismis kaya iniiwasan mo ang mga taong alam mo namang nagpapakalat nito.

May detachment ka sa mga kasamahan mo o gusto mo na laging mapag-isa dahil feeling mo ay naso-suffocate ka sa mga problemang dala ng iba at shine-share lang naman sa iyo. Maaaring kahit na ayaw mo, ikaw ang takbuhan ng ibang tao na gustong maglabas ng sama ng loob.

Ang panaginip naman kung saan nakita mo na nakasuot ang ibang tao ng gas mask ay nangangahulugan na may mga taong malapit sa iyo ang itinatago ang katotohanan sa likod ng mga salita na sinasabi nila sa iyong harapan.

Pero bukod dito, nangangahulugan din ang panaginip na ito na magkakaroon ka ng magandang lagay ng kalusugan, pero marami sa mga taong nasa paligid mo ang maaaring magkasakit kaya kailangan mo pa ring maging maingat.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung makikita mo ang gas mask na nakasabit sa pader, indikasyon naman ito na may kasaganahang parating sa iyo.

Maaari ring mangahulugan ang gas mask sa panaginip mo na may mga umaatake sa iyo verbally. Katulad ng mga chismis o sa loob mo mismo. Posibleng maraming negatibong kaisipan ang bumabalot sa iyo at naiisip mo na galing ito sa iyong mga kaibigan.

Dapat ka ring mag-ingat dahil may mga taong pwedeng trumaidor sa iyong kabaitan. Pero sa kabila nito, magiging maayos ang lahat sa iyong side dahil may karma pa ring mananaig anuman ang gawin sa iyo.

Sinasabi rin nito na gusto mo ng proteksyon mula sa mga ingay na naririnig sa paligid.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.