Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gasol hanga kay Butler

0 223

Hindi nakuha ni Jimmy Butler at ng Miami Heat ang kampeonato ng 74th National Basketball Association (NBA) 2020, pero humakot naman ng paghanga ang team, lalo na ang five-time All-Star.

Maganda ang performance ni Butler sa nakaraang finals series mas dumami na ang fans at may mga nagsasabing malayo pa ang mararating ng 31-year-old, 6-foot-7 swingman.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isa sa mga bumati at napahanga kay Butler ay si two-time champion at six-time All-Star Pau Gasol ng Milwaukee Bucks.

“I want to acknowledge how proud I am @JimmyButler. You’re one of the best players in the world, and a great leader!” pahjayag ng Kastilang basketbolista.

Binati rin ang Heat na dinaig sa six games ng Lakers sa finals. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.