Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gasol, Lakers hiwalay na

0 59

OPISYAL na ang hiwalayan ng Los Angeles Lakers at ni Marc Gasol.

Mula kay Adrian Wojnarowski:

“The Lakers have agreed to trade Marc Gasol, at 2024 second-round pick and cash to the Grizzlies for the draft rights to Wang Zhelin, sources tell ESPN. Deal saves Lakers $10M. Gasol and Grizzlies will work together on waiver and release to allow him to remain in Spain w/ family.”

Magagamit ng Lakers sa susunod na mga transaksiyon ang natipid. Kinuha sina veterans Dwight Howard at DeAndre Jordan, minus si Gasol ay 13 ang nasa active roster ng LA.

Mukhang matatapos naman na ang NBA career ni Gasol, 48th pick ng Lakers noong 2007 pero January 2008 ay binigay sa Memphis para makuha ang utol na si Pau Gasol.

Nag-average ang 7-foot-1 center ng 5 points, 4.1 rebounds, 2.1 assists noong 2020-21.

Bukod sa dalawang Olympic silver medals, naka-isang NBA championship, tatlong All-Star teams at naging NBA Defensive Player of the Year si Gasol sa 11 years sa NBA. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.