Abante Tonite Interactive

Gasol, Nadal nagsanib kontra COVID

286

INUMPISAHAN nina NBA star Pau Gasol at tennis ace Rafael Nadal ang fund drive para sa naapektuhan ng coronavirus sa Spain.

“The time has come for all of us to achieve #nuestramejorvictoria,” tweet ni Gasol, humihingi ng donasyon. “My donation and that of @RafaelNadal are already on the way. You joining?”

Walang 24-oras, dumagsa ang donasyon ng mga kapwa nila Spanish athletes.

Mula kina dating Spain goalkeeper Iker Casillas, Olympic sailing champion Theresa Zabell, Olympians Orlando Ortega ng track and field at sprinter Bruno Hortelano, tennis players Paula Badosa at David Ferrer, at F1 driver Carlos Sainz.

“I believe that we are who we are in large part thanks to your support and now we have to be there for you,” pahayag ni Nadal sa video.

Target ng dalawa na makalikom ng 11 million euros.

Pangalawa ang Spain sa Italy sa pinakamaraming biktima ng COVID-19 sa Europe. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad