Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gasol sa Spain magreretiro

0 49

Sa Spain na tatapusin ni Marc Gasol ang kanyang basketball career – sa court.

Pinamigay ng Lakers sa Memphis ang 36-year-old center, binayaran ng Grizzlies ang natitira pa sa kontrata ng Spaniard at nalibre na.

Nasa Spain ang 2019 champion at three-time All-Star center, kasama ng kanyang pamilya.

Nag-average ng 5 points, 4.1 rebounds at 2.1 assists si Gasol sa Los Angeles sa nakaraang 75th season, nag-start sa 42 games.

Ayon sa ulat ng L’Esportiu de Catalunya Linggo, gustong tapusin ni Gasol ang career sa Girona. Isa siya sa may-ari ng club, nakitang nanood sa isang laro ng team.

SM food to go Banner Ad

Inaasahang sa susunod na araw ay pipirma siya sa sariling team.

Nagsimulang maglaro sa Barcelona, nakadalawang seasons pa si Gasol sa Girona noong 2006-08 bago dumayo sa NBA.

Naglalaro ang Girona sa LEB Oro – second division sa Spanish league.

Bago pinakawalan ang Spaniard, kinuha ng Lakers sina veteran bigs Dwight Howard at DeAndre Jordan. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.