Abante Tonite Interactive

Gasol, Scola barakuhan sa 2019 World Cup finals

373

THROWBACK ang championship ng FIBA World Cup ngayong Linggo ng gabi, 8pm, sa Wukesong Sport Arena sa Beijing.

May 39-year-old Luis Scola ang Argentina, may 34-year-old Marc Gasol naman ang Spain.

Taong 1999 pa naging miyembro ng national team si Scola, una ni Gasol noong 2006 nang itaas ng Spain ang tanging kampeonato sa noo’y World Championship pa sa Japan.

Sa 95-88 double-overtime victory ng Spaniards kontra Australia sa semis, nagposte si Gasol ng 33 points.

Sumandal ang Spain sa experience ng core nina Gasol, Ricky Rubio, Sergio Llull, Rudy Fernandez at Victor Claver para sipain ang Boomers.

Nadiskaril ang tangkang three-peat ng US nang masilat ng France sa quarters. Maraming NBA superstars ang US na umayaw sa World Cup para daw makapahinga at mapaghandaan ang susunod na season.

Si Gasol marahil ang pinaka-pagod, dahil mid-June na natapos ang kampanya niya sa Toronto. Nakarating ng Finals ang Raptors bago sinipa ang back-to-back champions Golden State Warriors.

Pero hindi nag-excuse si Gasol, lumaro pa rin sa kanyang national team.
Ngayon ay may tsansa si Gasol na manalo ng kampeonato sa loob ng tatlong buwan.

“I know that committing to the national team this summer would not be easy physically, because we were so lucky to stretch our season and (come) away with a championship,” aniya. “But it’s completely worth it, and not because we’re playing in the final game.”

Mas mahalaga raw na ibahagi sa mga batang players ang commitment at loyalty sa national team, mga bagay na natutunan nina Gasol sa mga dinatnan din nila noon. (VE)