Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gasol tapat kay Bryant

0 282

Tapat na kanang kamay ni Kobe Bryant si Pau Gasol.

Sa Instagram, nag-post si Vanessa ng pictures ni Gasol kasama ang tatlong anak nila ni Kobe.

Sa isa, karga ng Spaniard ang bunsong si Bianka. Sa pangalawa ay inupuan niya sa mesa at kausap si Capri. Sa pangatlo ay akbay sa braso ang panganay na si Natalia.

Simpleng itim na Nike shirt at sweat pants lang ang suot ni Gasol. Nagtanggal pa siya ng sapatos, naka-medyas lang.

Magkaibigan sina Kobe at Pau, magkasama sila nang ihatid ang Lakers sa back-to-back National Basketball Association (NBA) championships noong 2009 at 2010.

July 6 nang mag-40 na si Gasol, isa sa pinaka-apektado nang mamatay si Kobe at anak na si Gianna, 13, sa helicopter crash noong Jan. 26. Pitong iba pa ang kasama nilang namatay.

Wala pang team ang free agent na si Gasol, pero nabanggit kamakailan na gusto niyang maglaro sa Lakers o sa Barcelona para sa final season ng kanyang career. Gusto rin niyang sumalang sa isa pang Tokyo Olympic Games sa 2021. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.