Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gasolina, diesel may dagdag-bawas sa presyo

0 89

May dagdag-bawas na ipatutupad ngayong araw sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Base sa kanilang mga anunsiyo, ang Chevron Philippines, Pilipinas Shell, at Seaoil Philippines ay magtataas ng kada litro ng gasolina ng P3.95, habang babawasan naman ang diesel ng P2.30 at kerosene ng P2.45.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang Cleanfuel, Petro Gazz, at Unioil Petroleum Philippines Inc. ay magpapatupad din ng kaparehong dagdag-bawas maliban sa kerosene na wala sila.

Epektibo ang bagong presyuhan ng alas-sais ng umaga ngayong Martes, Mayo 24, maliban sa Caltex na lagpas hatinggabi magpapatupad ng dagdag-bawas habang alas-otso naman ng umaga sa Cleanfuel. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.