Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gasolina, diesel may taas-presyo

0 117

Ipatutupad ng mga kompanya ng langis sa bansa ang panibagong dagdag sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.

Ito na ang ika-pitong sunod na linggong magkakaroon ng dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo mula noong Mayo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasa 60 sentimo kada litro ang dagdag presyo sa gasolina at 10 sentimo sa diesel. Mababawasan naman ng P0.05 sentimo kada litro ang presyo ng kanilang kerosene simula alas-sais ng umaga.

Ipinaliwanag ni PTT Philippines communication officer Jhay Julian na epekto pa rin ng paggalaw ng presyo sa international market ang sunud-sunod na pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.