Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gasolina, diesel taas-presyo higit P4

0 43

Muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Martes, Mayo 10.

Batay sa anunsiyo ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, magdadagdag sila sa ng P4.20 kada litro ng gasoline at diesel habang P5.85 sa kerosene.

Magpapatupad din ng taas-presyo ang Cleanfuel subalit hindi kasama ang kanilang kerosene.

Epektibo ang panibagong taas-presyo simula alas-sais ng umaga ngayong Martes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inaasahang mag-aanunsiyo rin umano ng pagtaas sa kanilang petrolyo ang iba pang kompanya ng langis.

Ang iba pang kumpanya ay mag-aanunsiyo din ng pagtataas ng petrolyo ngayong Linggo.

Paliwanag ng mga taga-industriya na ang pagsirit ng presyo ng imported na petrolyo ay dahil sa anunsiyo ng European Union sa planong huwag nang kumuha ng langis sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.