Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gaspar sa Nat’l Sports Summit

0 99

Mga usapin sa relihiyon, etika at sports ang tatalakayin sa 19th session ng National Sports Summit (NSS) 2021 ngayong Miyerkoles, kasama si redemptorist brother at renowned author Br. Carlito ‘Karl’ Gaspar CSsR.

Tatalakayin ng tapos sa Doctor of Humanities sa Xavier University, ang relasyon ng sports at religion at ang kaugnayan nito sa modern sport sa iba’t ibang paniniwala sa bansa.

SM food to go Banner Ad

Ibabahagi rin ng Davao City author na nagsulat ng ‘Manobo Dreams in Arakan’ na sa National Book Award para sa Social Sciences noong 2013, ang mga bagong kagaapan na nagsanib sa sports at religious practices, at ang pagsulong ng fair play sa sports, sportsmanship, at character at leadership sa mga kabataan.

“This is a good topic for the Summit, as it will give us a better understanding of how sports and religion can peacefully coexist with each other and be tools for development and unity,” pahayag Lunes ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.