Abante Tonite Interactive

Gastanes bagong POC secgen, Goma deputy

264

Aprubado sa Philippine Olympic Committee (POC) executive board sa ginanap nitong extraordinary board meeting Biyernes ng umaga ang mga appointment na hiniling ng bagong halal na pangulong si Abraham ‘Bambol’ Tolentino kahit na may ilang ‘di nakada­long miyembro.

Sinabi ni Tolentino na maayos ang naging ikalawang board meeting na produktibo at mahinahon bago inaprubahan ng ang appointment ni Atty. Edwin Gastanes bilang bagong secretary general, at Ormoc City Mayor Richard­ ‘Goma’ Gomez bilang deputy secretary general.

Sina Gomez at Gastanes ang pangulo ng Philippine Association, Inc. at Philippine Football Federation, ayon sa pagkakasunod.

Iniisip pa ni Tolentino ang pag-appoint sa isa pang POC deputy secgen sa katauhan ni Samahang Basketbol ng Pilipinas secretary general Renauld Barrios.

Si Gomez ang hahawak sa national sports association affairs habang si Barrios ang sa NSA administration.

Ibinigay din ng Board kay Tolentino ang awtoridad na makipagkasundo sa Philippine Sports Commission (PSC) at Phili­ppine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) para pirmahan ang Tripartite Agreement sa Miyerkoles, Agosto 14. (Lito Oredo)