Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gaston positibo lang

0 210

Positive vibes!

Ganyan ngayon ang pananaw ni University Athletic Association of the Philippines (UAAP) volleyball star Pauline Marie Monique ‘Ponggay’ Gaston kahit nasa gitna pa ng pandemya ng mundo at papalapit na ang Kapaskuhan.

Sa kanyang IG account Miyerkoles, makikitang tumambay ang 23-anyos, may taas na 5-10 middle blocker at Ateneo Queen Eagle sa kanilang bubungan, tumanaw sa kalangitan at puno ng pag-asang bubuti rin ang lagay ng lahat sa mga susunod na araw.

“Better days are coming,” simpleng saad pero positibong paniniwala ng dalagang anak na dating Philippine Basketball Association (PBA) player at opisyal ng Games and Amusements Board (GAB). (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.