Abante Tonite Interactive

Gastos ng PSC sa ibang sports P500M sobra

0 103

Kahit obligasyong maidaos na tagumpay sa bansa ang 30th Southeast Asian Games 2019, ‘di naman nagkulang at sumobra pa nga ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagsuporta para mapasigla ang sports bilang pagtalima sa atas ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na ilapit ito sa masa.

Gumasta ang gobyerno nang lampas pa sa P500M para lang sa sports development nitong 2018 at sa unang kalahating taon ng 2019 pa lang, kahit mas malaki ang pinaluwal habang patapos na ang taon para sa magbubukas na sa Nobyembre 30 na SEA Games, tatagal hanggang Disyembre 11.

Siniwalat Huwebes ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na halos P340M na ang mga napalabas sa iba’t ibang grassroots program sa lahat ng sektor para sa buong 2018.

At mula Enero-Hanyo 2019 naman, ­gumastos na ang ahensya ng P170M sa patuloy na mandato na mapaglaro ang maraming Pinoy ng iba’t ibang sports sa kapuluan.

“It is government’s commitment, as mandated to the PSC by President Duterte, to keep the people actively involved in sports. From children to citizens as old as I am, we all should have our own access to sports as the President and most members of his Cabinet do and have, from time to time,” ani Ramirez.