Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gastos sa COVID: DSWD P200B, DOF P51B ,DOH P48B

0 408

Bukas ang Department of Budget and Management (DBM) na isapubliko ang pinaggamitan sa budget na inilabas ng gobyerno para labanan ang krisis dulot ng epekto ng COVID pandemic.

Sa pre-SONA forum ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), sinabi ni Budget Secretary Wendell Avisado na transparent ang kanilang ahensiya at walang itatago sa isyu ng Bayanihan Act at makikita ito sa kanilang website.

Ayon kay Avisado, pinakamalaking nakakuha ng budget ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na P200.98 billion at ginamit sa social amelioration program para sa mga pinaka-mahihirap na pamilyang Pilipino.

Sinundan aniya ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nakatanggap ng P12.59 bilyon , habang P11.19 billion naman ang Department of Agriculture.

Mayroon ding inilabas na pondo ang Department of Finance (DOF) na P51 billion sa small business wage subsidy program.

Ang Department of Health (DOH) naman ayon kay Avisado ay tumanggap ng P48.23 billion para sa healthcare capacity ng bansa at pagbili ng COVID test kits at personal protective equiments ng health workers.

Tumanggap din ng pondo ang mga ahensiyang tulad ng Department of Education (DepEd) , Department of Science and Technology (DOST), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Foreign Affairs (DFA) At Department of Interior and Local Government (DILG). (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.