Abante Tonite Interactive

Gastos sa ospital ng COVID-19 patient sagot ng PhilHealth

0 643

Sasagutin lahat ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang lahat ng gastusin sa pagpapaospital ng mga miyembro dahil sa coronavirus disease 2029(COVID19).

Ayon kay PhilHealth chief Ricardo Morales bilang bahagi ng ginagawang paglaban ng gobyerno upang mapigil ang paglaganap ng sakit.

“Babayaran ng PhilHealth and lahat ng medical expenses ng mga taong magkakaroon ng COVID-19, especially ‘yung ating mga public health workers. Gusto nating bigyan sila ng confidence saka peace of mind para silay makapagfocus sa trabaho,” ayon sa opisyal.

“Wala silang aalalahanin kung sila po ay magkakasakit sasagutin ng PhilHealth lahat ng kanilang medical expenses,”.dagdag pa ni Morales.

Nabatid na nakapag-release na umano ng may P1.6 bilyon sa mga accredited hospitals para tulungan sila sa paglaban sa virus.

Kabilang na sa sasagutin ng Philhealth ang libreng testing sa COVID-19 kung ito ay inihatol ng doktor.

“This is part of ‘yung P30 billion na kinakasa ng PhilHealth para maka-preposition tayo ng pondo sa mga ospital,” paliwanag pa ni Morales.

Ang nabanggit na hakbang ay matapos na ilagay ni Pangulong Rodrigo ang buong Luzon sa enhanced conmunity quarantine.(Juliet de Loza-Cudia/ Prince Golez)