Abante Tonite Interactive

Gastusin nang tama ang mga pabuya

340

Bukas, Miyerkoles, Disyembre 18 na ipagkakaloob ni Pangulong Rodrigo Duterte ang personal niyang insentibo para mga atleta na mga nakamedalya sa 30th Southeast Asian Games Philippine 2019 sa Luzon nitong Nobyembre 30-Disyembre 11.

Dahil mga bayani sa karangalang binigay sa ‘Pinas, sa Malacañang Palace sa San Miguel, Manila gagawin ang okasyon kung saan ang mga nanalo ng gold ay may P250,000, P150,000 sa silver at P100,000 sa bronze.

‘Di ko lang alam kung ipagkakaloob na rin ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) ang hiwalay nilang mga aginaldo rin para sa mga manlalarong nagpasiklab sa SEA Games kung saan nag-overall champion ang bansa.

Pasko at Bagong Taon na ilang araw na lang.

Ang payo ko lang sa inyo mga mahal kong atleta, gastahing mautak/tama ang inyong pinaghirapan. Higit sa lahat bahaginan ninyo ang inyong mga magulang at kapatid.

***
Nagpapasalamat ako at iba ko pang 1982 batchmate sa Fernando Maria Guerrero Elementary School sa Paco, Maynila, kay Primitivo ‘Tivo’ Aguilar III at sa kanyang butihing maybahay sa blowout nitong Linggo sa amin sa Cabalen-MOA, Pasay.

Thanks din 1982 FMGES Artist of the Year Tivo, galing naman kina Gemma Calipjo, Belinda Ignacio, Millet Ricarte-Decujos, Rowena, Cells-Alegrado, Jocelyn Miranda-Celecio, Mary Ann Mariveles, Enrique ‘Toto’ Valera at Rebecca Geronimo-Araña, Brando Barrientos, at Noly Coralles at mga tsikiting.

Si Tivo ay isang ma­tagumpay nang cartoonist sa Kuwait sapul pa noong 1992. Marami na rin siyang napanalunang mga kompetisyon.
***
Maligayang kaara­wan sa aking nanay Romedios D. Cruz-Raganit (+) na magdiriwang bukas, Miyerkoles, Dis­yembre 18.

At gini-greet naman si Cris Allen Scottie ng San Jose del Monte City ng kanyang lolo’t lola na sina Sonny at Norie Catallo at mga magulang na sina Jolina Catallo-Nabas at Christian Nabas sa birthday niya kahapon, Disyembre 16.

***
Kung gusto po ninyong magkomento o may nais po kayong itanong, ‘wag pong mag-atubiling mag-email lang sa ramilcruz2003@gmail.com, at ramilcruz2003@yahoo.com. Maraming salamat po. God bless us all!