Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gatas, diaper ninenok ni itay

0 181

Dinampot ng pulisya ang isang ama matapos mabuking ang pang-uumit nito sa isang grocery sa Taguig City kamakalawa ng hapon.

Sa report ng Southern Police District, pumasok ang 37-anyos na suspek sa isang supermarket sa Bonifacio Global City at nagkunwaring kostumer.

Kumuha ito ng isang malaking pack ng diaper, 4 na pack ng gatas, isang pack ng hotdog, 10 pakete ng 3-in-1 coffee, at isang air freshener. Sa halip na tumuloy sa cashier, dire-diretso itong lumabas ng

SM food to go Banner Ad

establisimyento nang hindi nagbabayad.

Sinita ito ng guwardiya at hiningan ng resibo. Nang walang maipakita ay dinampot ang ama kung saan ang halaga ng hinarbat nito’y nasa P3,500.

Nahaharap sa kasong theft ang nakakulong na ngayong suspek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.