Abante Tonite Interactive

Gatas ng ipis mula Australia, pumatok

By
852

Kung kinatatakutan ninyo at ‘hate’ ang ipis ay magdalawang-isip na muna kayo.

Ito ay dahil lumabas sa pag-aaral ng isang grupo na nakabase sa Institute for Stem Cell Biology and Regenerative Medicine sa bansang India na ang ­gatas mula sa isang klase ng ipis ay mabisa ring pangha­lili sa cow’s milk.

Ang nasabing insekto na tinatawag na Pacific beetle cockroach mula sa Australia ay mayaman sa protina at amino acids.

Maituturing itong ‘complete food’ ayon na rin sa scientific research dahil sa mas mataas o triple ang nakukuhang nutritional va­lue sa cockroach milk mula sa kanilang ‘nutrient-rich crystals’ kumpara sa ibang gatas kung saan sinasabing halos kalasa lang naman nito ang kinamu­latan na nating gatas ng baka.

“The crystals are like a complete food — they have proteins, fats and sugars. If you look into the protein sequences, they have all the essential amino acids,” pagmamalaki ni Sanchari Banerjee, isa sa mga nanguna sa pag-aaral, sa panayam ng Times sa India.

Dahil mas affordable at masustansiya ay mas ikinokonsidera na ­ngayon ng iba ang pag-inom ng ­gatas ng mga ipis kesa sa ­gatas ng baka.