Abante Tonite Interactive

Gatchalian hinamon si Duterte sa ABS-CBN? Fake news!

640

Tinawag na ‘fake news’ ni Senador Sherwin Gatchalian ang isang post na kumaka­lat sa social media kung saan hinamon umano niya si Pangulong ­Rodrigo Duterte na magpaliwanag sa kanya sa Senado tungkol sa banta sa prangkisa ng ABS-CBN.

Aniya, wala siyang inilalabas na anumang malisyosong pahayag tungkol sa Presidente.

Direktang pag-atake raw ang nasabing ‘fake news’ sa kanyang ­pagkatao at trabaho ng mga taong layon na dungisan ang kanyang reputasyon at ­lumikha ng intriga.

“A fake news, which is prevalent nowadays, is spreading around social media about a statement which I did not say nor have said in my past interviews.
Categorically and objectively speaking, I did not utter, gesture nor insinuate any malicious statement about the President,” paha­yag niya.

“The fake news on social media is a direct attack on my person and obviously a work of some people whose objective is to discredit me and sow intrigue,” dagdag pa niya.

Magugunita na lantarang sinabi ni Pangulong Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng broadcast giant dahil sa hindi pagpapalabas sa kanyang campaign advertisement noong 2016 presidential elections kahit bayad na ito. Mapapaso ang prangkisa ng ABS-CBN sa dara­ting na March 30. (IS)