Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gatchalian iaangat Valenzuela sports

0 20

Pasisiglahin nina House Deputy Speaker Weslie Gatchalian at Valenzuela City sports director, PBA legend Gerald Esplana ang Valenzuela sports sa pagbubukas ng isang modern multi-sports arena para maihanay na sporting hub ang siyudad sa bansa sa hinaharap.

Tampok sa 1.2 hectare sports training facility na proyekto ni Gatchalian, ang two-court basketball floor, volleyball court, badminton area, chess, table tennis, billiards hall, main hall, at dugouts. Kikilalaning Wellness Entertainment Sports (WES) Arena ito ay matatagpuan sa Barangay Punturin.

SM food to go Banner Ad

Papasinayaan ito sa Agosto 11, kasabay ng birthday ng mambabatas, na kinakatawan ang first district ng lungsod. Pero gagamitin munang vaccination site bago maging full-time sports are sa sandaling matapos ang pandemic.

“It’s the first and largest sports arena in Valenzuela,” ani Gatchalian sa pagdalo Martes sa Philippine Sportswriters Association webcast edition na mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.