Abante Tonite Interactive

Gatchalian: Kailangan ng maraming SPED Center

0 135

Dapat magtayo ng maraming Special Education (SPED) Center sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa para mabigyan ng kalidad na edukasyon ang mga bata at kabataan na may kapansanan o espesyal na pa­ngangailan, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

Batay sa pagtataya ng PhilHealth, isa sa pitong bata o 5.3 milyong Pinoy ang mga kapansanan sa kasalukuyan.

Mahigit naman sa 84% ng mga bayan sa bansa ang walang SPED Center, ayon sa Basic Education Sector Transformation (BEST) Program.

Sa record naman ng Department of Education (DepEd), sa kasalukuyan may 648 regular na paaralan at SPED Center sa buong bansa kung saan 648,47 ang nag-aaral sa elementarya at 177 sa high school.

“Sa panukala nating magpatayo ng mga SPED center sa mga lugar na nangangailangan nito, maibibigay natin sa mga kabataang may kapansa­nan ang uri at kalidad ng edukasyon na angkop sa kanilang mga panga­ngailangan,” ani Gatchalian.

Sa Senate Bill No. 171 o Inclusive Education for Children and Youth with Special Needs Act na inihain ni Gatchalian, isinusulong nitong magtatag ng mga SPED Center sa bansa.(Dindo Matining)