Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gatchalian kinana ng scammer, hindi hacker

0 59

Hindi hacker kundi scammer ang umorder ng P1 milyong halaga ng alak gamit ang credit card ni Senador Sherwin Gatchalian.

Sa panayam sa radyo nitong Sabado, sinabi ng senador na nagpanggap ang scammer bilang “Senador Gatchalian”, nakipag-ugnayan sa bangko at dinahilan na magpapakain siya sa Senado kaya kinakailangang palitan ang kanyang cellphone number.

“Akala ko nung una hacker, ibig sabihin pumasok sa computer, ‘di pala hacker kundi scammer, nagpanggap na siya si Sen Gatchalian, nagpanggap na magpapakain sa Senado, napalitan niya ang cellphone number ko kaya ‘di ko na nakukuha OTP (one-time password) at order na siya sa Foodpanda,” lahad ni Gatchalian.

SM food to go Banner Ad

“Thru cellphone, may hotline na lahat eh. Puwede na via phone, may tatanungin lang security questions pero nagpanggap siya at tila alam din niya lahat ng detalye natin at napalitan niya cellphone number. Ito kasing OTP pag napalitan mo number mo tapos na. Dahil lahat ng info binabato sa CP mo. Since napalitan niya ang CP number hindi ko na nakukuha ang OTP,” dagdag niya.

“Magkapatid ‘yan, hacker at scammer, ‘di ko pa masisigurado na walang hacking pero ang initial na kuwento sa akin scamming ang nangyari. ‘Di ko pa alam kung may iba pang nangyari,” sabi ni Gatchalian.

Dumulog na si Gatchalian sa National Bureau of Investigation (NBI) pero balak din nitong magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Senado ukol sa laganap na scam sa mga credit card, debit card at online bank account para mabusisi ang mga umiiral na batas upang proteksyonan ang publiko. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.