Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gatchalian: Mga sangkot sa ‘sagot for sale’ puwedeng kasuhan

0 136

Maaaring sampahan ng reklamo ang mga taong sangkot sa ‘sagot for sale’ sa module ng mga mag-aaral ngayong nasa ilalim tayo ng distance learning dahil sa pandemyang hatid ng COVID-19.

“Meron kaukulang parusa po ito at hindi ho dapat payagan o hindi ho dapat balewalain dahil kawawa po ang mga bata na hindi po natututo sa mga ganitong paraan,” pahayag ni Gatchalian.

Aniya, maituturing na ‘misrepresentation’ ang ginagawa ng mga taong sangkot sa modus ng ‘sagot for sale’.
Binigyang-diin ni Gatchalian na walang mabuting idudulot ang ganitong gawain kaya hinimok ang mga magulang na huwag itong gagawin alang-alang sa kanilang mga anak.

“Patuloy nating pinaaalalahanan ang ating mga magulang na ang lugi dito ay ang kanilang mga anak. Mukhang nadadalian nga dahil nasasagutan pero wala namang natututunan at kawawa po ang kanilang mga anak,” sabi pa ng senador.

Patuloy aniyang mino-monitor nila ito at kung kinakailangan talaga ay magpapatawag sila ng imbestigasyon para mabatid kung anong hakbang ang ginagawa ng pamahalaan para mapigilan ang ‘sagot for sale’ modus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.