Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gatchalian: Paglobo ng hawaan ‘wag isisi sa gobyerno

0 340

Para kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, hindi dapat isisi sa gobyerno o kahit kanino ang pagsirit ng COVID-19 case sa bansa.

“’Yung nagsasabing kasalanan ito ng gobyerno, nasyunal man o lokal, palagay ko unfair ‘yon dahil ginagawa naman ang lahat eh,” giit ni Gatchalian sa panayam sa ‘Balitaan at Kumustahan’ ng Politiko Live.

Aniya, nahihirapan ang gobyerno na ibalanse ang pagbubukas ng ekonomiya at pangangalaga sa kalusugan dulot ng pandemya.

“Walang may kasalanan nito kasi those are two extremes,” lahad pa ng alkalde.

Depensa din ni Gatchalian, kahit sa ibang bansa ay hirap din sa supply ng bakuna tulad sa New Zealand, na health worker pa lang din ang binabakunahan katulad sa Pilipinas.

Pinunto pa ni Gatchalian ang bagong strain ng virus na kumalat na rin sa buong mundo dahilan para sumirit ang kaso ng COVID-19 sa bansa. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.