Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gatchalian papakasal ‘pag may bakuna na

0 46

Kapag bumalik na sa normal ang lahat, posibleng iwan na ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagka-binata.

Sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live, binahagi ni Gatchalian na dapat ay magkaroon na ng bakuna para ‘makagalaw’ na siya.

“Siguro balang araw, baka hindi na ko makakasali diyan sa nagde-delay ng magpakasal,” ayon sa mambabatas.

Aniya, hinihintay lang din niya na magkaroon ng bakuna at doon na siya posibleng magplano ukol sa pagpapakasal.

“Hopefully in God’s time, hintayin lang natin ang bakunang ‘to,” lahad ni Gatchalian. “Dapat dumating na ang bakuna para makagalaw na tayo.”

Dahilan kasi ng senador, mahirap na ikasal sa panahon ng COVID-19 pandemic dahil maraming kailangang sundin tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

Si Gatchalian ay nobyo ng beauty queen na si Bianca Manalo, na pinagdiwang ang kanilang second anniversary noong 2020. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.