Abante Tonite Interactive

Gatchalian sa Palasyo: ROTC gawing urgent bill

288

Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang Malacañang na sertipikahan bilang urgent bill ang pagbabalik ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) na ipapatupad sa senior high school.

“Yes, I’m asking the Executive to certify this as urgent para maka-skip tayo nu’ng three-day ruling,” sabi ni Gatchalian.

Ipinaliwanag ng senador na sa maikling panahon na natitira sa 17th Congress ay malabo nang maihabol ang pag-apruba sa ROTC bill maliban na lamang kung ituturing itong urgent bill.

“I think the Depart­ment of National Defense (DND) ginagawan na ng paraan [to certify the mandatory ROTC bill as urgent] but if ever na ma-sponsoran ito on Monday pero marami pang clarifications at amendments ang mga kasamahan natin, mahihirapan na tayong maaprubahan ito sa 17th Congress.
So, the only chance na maaprubahan ito ay kapag na-certify na as urgent,” paliwanag ni Gatchalian.(Dang Samson-Garcia)