Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gate sa Ambuklao dam sinara na

0 74

Sinarado na ang gate at inihinto na ang pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao Dam kahapon.

Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) base na rin sa kanilang latest monitoring, ang water level ng dam ay bumaba na sa 750.99 meters o below normal high water level na 752 meters.

Nasa 751 meters pa ito kamakalawa kaya nakabukas pa ang dalawang spillway gates nito.

Nagsimulang magpakawala ng tubig ang Ambuklao Dam noong Oktubre 11 nang manalasa ang bagyong Maring sa Luzon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.