Abante Tonite Interactive

Gateway gallery exhibit sa Araneta

221

Ginunita ng Gateway gallery ang buwan ng Mayo bilang Heri­tage Month.

Upang ipagdiwang ang nasabing tema ay nagbukas ang Gateway Gallery ng exhibit na tinaguriang Araneta: Heritage Town na sinimulan noong May 15, 2019.

Tampok sa exhibit ang mayamang kasaysayan ng Araneta at ibang lugar dito bilang sentro ng lifestyle at entertainment habang ang Araneta Coliseum bilang centerpiece.

Hahatiin ang exhibit sa iba’t ibang section na magbibigay sa publiko ng malinaw na prespekti­bo ng tradisyon at kasaysayan.

Ang exhibit is pinrisinta ni Gari Apolonio katuwang ang Araneta Archives Unit. Tatagal ito hanggang Hunyo 2, 2019.

Ang Gateway Gallery ay matatagpuan sa art museum ng Araneta Center, 5th floor ng Gateway Tower at bukas araw-araw mula 10 a.m. hanggang 7 p.m.